Kung kagaya nyo ako na ginugugol ang oras sa walang kapararakang bagay, mapapansin nyo din ang ilan sa aking mga obserbasyon. Bagama't wala rin naman dapat kapararakan, mayroon namang impact sa araw-araw nating pamumuhay.
Nag-iiba na ang mundo. Hindi man natin gusto.
Narito ang mga halimbawa:
1. Hindi na nakakahiyang umutang ngayon. Ang mas nakakahiya, iyong singil ng singil sa taong pinautang. Hindi ba at nakakabwisit yon? Kung sino pa ang nakautang, sya pa ang galit. At kung sino ang nagpautang, sya pa ang nahihiyang maningil.
2. Nag-evolve na ang langaw at lamok. Bakit ka 'nyo? Matatalino na sila ngayon. Kung dati, kapag naglagay ka ng fly trap, iisipin ng langaw, pagkain yun. Ilang minuto pa lang, dadapo na sila. Ngayon, butiki na ang nakadikit sa fly trap. Diyata't bumobo din ang butiki?
Kapag nag-clap ka ng isang beses, alam na ng lamok na sinisubukan mo silang patayin. Magtatago na ang mga yan.
3. Gustong-gusto ko man ang ideya na gaganda ang lahat ng kalsada, mas nananaig pa rin ang awa ko sa mga punong walang habas na pinagpuputol para lamang bigyang-daan ang road widening. Hindi ba nila naisip na babahain tayo kapag wala ng mga puno sa paligid? Kaawa-awang mga puno. At kapag binaha, kaawa-awang mga tao.
4. Kung nuong kabataan namin, malinis pa ang tubig sa batis na pinagliliguan namin, ngayon, kahit kalabaw, mandidiring magtampisaw. Punong-puno na ng basura at dumi ang kapaligiran.
5. Boring na ang childhood ngayon. Burado na ang piko, sungka, tumbang-preso at patintero. Buti na lang may bazooka, sunshine, at mikmik pa.
6. Kapag ang bata, kinausap mo ng maayos, pabalang pa din kung sumagot. At bakit kaya may mga batang hindi makaintindi ng salitang "hindi" at "huwag"? Kapag sinabing "huwag ganyan", ipagpapatuloy pa din. Hindi mo alam kung nanadya o sadyang hindi lang makaunawa.
Kainis lang!
No comments:
Post a Comment